Unang Balita sa Unang Hirit: July 26, 2023 [HD]

2023-07-26 7

Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong Miyerkules, July 26, 2023

Malakas na hangin at alon na dulot ng bagyong Egay, humagupit sa Cagayan; Ilang residente sa tabing-dagat at ilog, inilikas bilang pag-iingat sa bagyong Egay; ilang lumikas, nangangambang masira ang kanilang bahay dahil sa malakas na ulan at hangin; 6 na bayan sa Cagayan, nawalan ng kuryente matapos masira at matumba ang ilang poste; clearing operation, isasagawa
Magdamag na ulan, naranasan sa ilang lungsod sa Metro Manila; ilang kalsada, halos zero-visibility dahil sa ulang dulot ng bagyong Egay
Ilang probinsya, lubog sa baha dahil sa pag-ulang dulot ng bagyong Egay at hanging habagat
443 na mga pasahero, na-stranded sa Manila North Port dahil sa bagyong Egay
Ilang surfer, sinita ng mga taga-MDRRMO dahil may ipinatutupad na “No Swimming Policy” bunsod ng bagyong Egay; ilang inilikas na residente, bumalik na sa kanilang bahay sa takot na manakawan; ilang mangingisda, hindi makapalaot dahil sa bagyong Egay; food packs, inihahanda na para ipamigay sa mga apektadong pamilya
PBBM, nagpasalamat at nangakong aalagaan ang kapakanan ng mga Pilipino sa Malaysia; PBBM at First Lady Liza Araneta-Marcos, makikipagpulong sa hari at ilang matataas na opisyal ng Malaysia; dagdag na foreign investment at pagpapalakas sa ugnayan ng Pilipinas at Malaysia, target ni PBBM sa kaniyang State Visit; PBBM, makakapulong ang ilang negosyante sa Malaysia ngayong araw
NDRRMC: mahigit 4,500 pamilya, apektado ng bagyong Egay – panayam kay NDRRMC Spokesperson Edgar Posadas
59 na pamilyang apektado ng bagyong Egay, hinatiran ng tulong; dalawang barangay, hinatiran ng ayuda ng DSWD; klase sa pampubliko at pribadong paaralan sa Ilocos Sur, kanselado; landslide, naranasan sa ilang kalsada; clearing operation, isinagawa

Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).

For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.